mula Kami sa Lahat ng Masama
Allan Popa
Mula sa Kailaliman
Aninag ang mga nilalang sa kailaliman.
Maaaring tagusin ng liwanag
Kung may liwanag.
Narito ang mga barkong lumubog.
Malinis na malinis.
Narito ang mga upos na kandila.
Narito ang mumunting gamit na nawaglit.
Narito ang ulo ng bumagsak na kometa.
Walang tumitinag kundi silang hindi-patay.
Nagbubungkal.
Narito ang puso ng grabedad.
Narito ang wika ng pinutol na dila.
Narito ang pinakamalalim na buntonghininga—
“Huwag mong sindihan ang nalalabing hibla.
Aagawin ang aming huling hininga.”
Lilith
Katulad ng kaniyang paglikom
Sa mga patak ng semilyang natapon
Sa bawat kama ng pagtatalik at pagsasalsal,
Dinidilaan niya ang kaniyang mga sugat.
Hindi mabilang ang kaniyang mga supling
Na hindi naghahanap ng ama
O sumususo sa kaniyang dibdib.
Wala silang pusod.
Sinasampahan niya ang mga puno.
Niyuyugyog tulad ng kandungan
Ng mga asawa’t binatang tinitigasan
Sa madaling-araw.
Hinahasa ng matapat na lalaki ang punyal
Na pangontra kapag nag-iisa sa kama.
Nakaukit dito ang kaniyang pangalan.
Lilith. Kalaban at sandata.
Si Kristo sa Impiyerno
Walang alinlangan ang kaniyang mga hakbang.
Nakapaglakad siya sa ibabaw ng tubig.
Hindi siya lulubog sa apoy.
Sa kaniyang paligid, nagsisiksikan sa kumunoy
Ang mga kaluluwang nagpupumiglas
Upang mapanatili sa ibabaw ang mukha.
Kinakapitan nila ang isa’t isa upang lumutang.
Nilulunod ang kinakapitan.
Ngunit walang sinuman ang nalulunod.
Waring nakadama si Kristo ng pagkalula
Sa alaala ng kaitaasan.
Marahang tumatapak siya sa mga ulo
Habang pilit inaaabot ng maraming kamay
Ang kaniyang laylayan.
Ngunit wala silang mahawakan
Kundi salita.
Aninag ang mga nilalang sa kailaliman.
Maaaring tagusin ng liwanag
Kung may liwanag.
Narito ang mga barkong lumubog.
Malinis na malinis.
Narito ang mga upos na kandila.
Narito ang mumunting gamit na nawaglit.
Narito ang ulo ng bumagsak na kometa.
Walang tumitinag kundi silang hindi-patay.
Nagbubungkal.
Narito ang puso ng grabedad.
Narito ang wika ng pinutol na dila.
Narito ang pinakamalalim na buntonghininga—
“Huwag mong sindihan ang nalalabing hibla.
Aagawin ang aming huling hininga.”
Lilith
Katulad ng kaniyang paglikom
Sa mga patak ng semilyang natapon
Sa bawat kama ng pagtatalik at pagsasalsal,
Dinidilaan niya ang kaniyang mga sugat.
Hindi mabilang ang kaniyang mga supling
Na hindi naghahanap ng ama
O sumususo sa kaniyang dibdib.
Wala silang pusod.
Sinasampahan niya ang mga puno.
Niyuyugyog tulad ng kandungan
Ng mga asawa’t binatang tinitigasan
Sa madaling-araw.
Hinahasa ng matapat na lalaki ang punyal
Na pangontra kapag nag-iisa sa kama.
Nakaukit dito ang kaniyang pangalan.
Lilith. Kalaban at sandata.
Si Kristo sa Impiyerno
Walang alinlangan ang kaniyang mga hakbang.
Nakapaglakad siya sa ibabaw ng tubig.
Hindi siya lulubog sa apoy.
Sa kaniyang paligid, nagsisiksikan sa kumunoy
Ang mga kaluluwang nagpupumiglas
Upang mapanatili sa ibabaw ang mukha.
Kinakapitan nila ang isa’t isa upang lumutang.
Nilulunod ang kinakapitan.
Ngunit walang sinuman ang nalulunod.
Waring nakadama si Kristo ng pagkalula
Sa alaala ng kaitaasan.
Marahang tumatapak siya sa mga ulo
Habang pilit inaaabot ng maraming kamay
Ang kaniyang laylayan.
Ngunit wala silang mahawakan
Kundi salita.