Anim na Tula
Allan Popa
Babel
Itinatatag ng paningin ang tayog.
Tagos sa ulap ang tinitingalang
di matanaw sa abot ng tanaw.
Sa ligid ng pagtitipon, ang guho.
Nasaan ang katuparan?
Bago ang lahat, ang abala ng ingay.
(pahayag)
Bigla, sandaling antala.
(hulog ng tahimik)
Wika nga, anghel na dumadaan.
(buhol sa dila ng paliwanag)
Pagkaraan, hukbo ng mga anghel.
Pagkaraan, ang pakiramdam
na may magaganap.
(badya)
Papalapit sa isang rurok.
Ang sandali bago muling bumagsak
ang mabigat na kamay ng Diyos.
Muli, ang naudlot sa dulo ng dila
ni Adan habang iniaabot ang prutas.
(namnam na bawal)
Ang iisang salita.
Narito.
Nananatili itong walang pangalan.
Morpo
Mula sa kaliwa, sa takda ng hanggan,
itinutulak ang katahimikan.
Mabigat na pintong naghahayag
sa pahayag.
Tiyak ang usad sa kitid ng laya.
Tungo sa gilid ng bangin, sa antala
ng pagharap sa paglalahuan.
Bagamat muling bumabangon.
Hanggang ganap na ipinid ang pinto
ng pagkakataon.
May hiwaga ang guhit na ito.
May kamay na namagitan sa kawalan
at pagkakaroon.
Walang nakababalik.
Tila bisagra, ikutan ito ng pagbubukas.
Angklang renda sa bigat ng hakbang.
(tandaan, walang nakababalik)
Busal ang busilak na pahina.
May mga labing banaag sa patlang.
Nag-aanyo.
Na may ibig sabihin?
Mula sa kaliwa. Muling bumabangon.
Bigat ng hakbang. Tandaan.
Sa takdang hanggan.
Habang sa labas, ang nanunuot
na mundo ng ingay.
Sa labas ng mundo, ang katahimikan.
Na tinatawag ding kalawakan.
Sa linyang ito umiinog ang daigdig.
Imago
Alam ng mga kulisap.
Kanila ang di mabilang na patunay.
Kung kaya, totoo.
Silang tumatabing sa katanghalian
ng paliwanag.
Laksang anino ng mga pakpak.
Ito ang kahinugan.
Sa hangin, ang makapit na lagkit.
Ang huni.
Isabog ang sandakot.
Masdan ang mumunting mga kamay
mula sa dilim.
(sabik)
Ang paglaho bago sumayad.
(pugad ng grabedad)
Ang isang uri ng gutom.
Sa tigang na lupa, mga katawang
inaakyat ang isa't isa.
Nagtutuklapang kaliskis sa lingkis.
Pagkaraan, sigabo ng pagtatalik.
(hugong)
Buntis na along uhaw sa pag-ahon.
(maiikli ang buhay, bumubulong)
Ang dami, dumadami, ang dami-dami.
Walang anyong maghihilom.
Walang labíng nilalabí.
Dilang Anghel
Ibinubuka nila ang mga pakpak.
Muling nalalaglag ang kanilang anino
Bagamat hindi sumasayad sa lupa.
Matagal na silang nakatanaw.
Hindi kailanman kumurap.
Hindi kailanman tumalikod.
Hindi nila kailanman itinakip
Sa mukha ang kanilang mga kamay
Na masunuring humahaplos ng trumpeta.
Kung minsan, dinadalaw sila ng alala
Ng tinig. Nais nilang ibuka ang bibig.
Ngunit wala silang masabi.
Ano ang dila kundi isang piraso
Ng laman na hindi kayang malunok.
Sa Pagtawid
Nakatitig ang mga madre sa ilog.
May pangamba sa kanilang mga mata.
Ito ang oras ng paglaki ng tubig.
Humakbang ang isa upang damhin ang lamig.
Sumunod ang iba upang tumawid.
Isang madilim na alon ang kanilang paglusong.
Sa kanilang mga binti, waring sinusukat nila
Ang unti-unting paglalim ng agos
Habang naghahanap ng tatag ang bawat yapak.
Hanggang mabasa ang kanilang damit.
Huminto sila at inilibot ang paningin.
Nagtagpo ang kanilang mga tingin.
Bahagyang inangat nila ang kanilang laylayan.
Napapikit habang tinatawid ang tuhod.
Maingay ang pagragasa ng ilog.
Gumapang paakyat ng katawan ang lamig.
Nadarama nila ang pagbigat ng suot
Na bumabakat sa nakatagong hubog.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtawid,
Narinig nila ang mahinang tawag ng orasyon.
Nanginginig silang umawit ng papuri.
Eba
Sa lilim ng yungib, dinadalaw siya
Ng pangamba. Siya na nakaaalala
Kung paano pukawin sa mahimbing
Na katawan ng iba.
Huhugutin mula sa sarili ang nawala
Bilang tunay na parusa sa pagkakasala.
Nakabalot sa balat ng ilahas na hayop
Ang kaniyang panganay, humihiram ng init.
Sumasagi sa kaniyang isip ang pinakamalagim
Na maaaring sapitin ng kaniyang anak.
Ganito unang nadama ang pag-ibig.
Itinatatag ng paningin ang tayog.
Tagos sa ulap ang tinitingalang
di matanaw sa abot ng tanaw.
Sa ligid ng pagtitipon, ang guho.
Nasaan ang katuparan?
Bago ang lahat, ang abala ng ingay.
(pahayag)
Bigla, sandaling antala.
(hulog ng tahimik)
Wika nga, anghel na dumadaan.
(buhol sa dila ng paliwanag)
Pagkaraan, hukbo ng mga anghel.
Pagkaraan, ang pakiramdam
na may magaganap.
(badya)
Papalapit sa isang rurok.
Ang sandali bago muling bumagsak
ang mabigat na kamay ng Diyos.
Muli, ang naudlot sa dulo ng dila
ni Adan habang iniaabot ang prutas.
(namnam na bawal)
Ang iisang salita.
Narito.
Nananatili itong walang pangalan.
Morpo
Mula sa kaliwa, sa takda ng hanggan,
itinutulak ang katahimikan.
Mabigat na pintong naghahayag
sa pahayag.
Tiyak ang usad sa kitid ng laya.
Tungo sa gilid ng bangin, sa antala
ng pagharap sa paglalahuan.
Bagamat muling bumabangon.
Hanggang ganap na ipinid ang pinto
ng pagkakataon.
May hiwaga ang guhit na ito.
May kamay na namagitan sa kawalan
at pagkakaroon.
Walang nakababalik.
Tila bisagra, ikutan ito ng pagbubukas.
Angklang renda sa bigat ng hakbang.
(tandaan, walang nakababalik)
Busal ang busilak na pahina.
May mga labing banaag sa patlang.
Nag-aanyo.
Na may ibig sabihin?
Mula sa kaliwa. Muling bumabangon.
Bigat ng hakbang. Tandaan.
Sa takdang hanggan.
Habang sa labas, ang nanunuot
na mundo ng ingay.
Sa labas ng mundo, ang katahimikan.
Na tinatawag ding kalawakan.
Sa linyang ito umiinog ang daigdig.
Imago
Alam ng mga kulisap.
Kanila ang di mabilang na patunay.
Kung kaya, totoo.
Silang tumatabing sa katanghalian
ng paliwanag.
Laksang anino ng mga pakpak.
Ito ang kahinugan.
Sa hangin, ang makapit na lagkit.
Ang huni.
Isabog ang sandakot.
Masdan ang mumunting mga kamay
mula sa dilim.
(sabik)
Ang paglaho bago sumayad.
(pugad ng grabedad)
Ang isang uri ng gutom.
Sa tigang na lupa, mga katawang
inaakyat ang isa't isa.
Nagtutuklapang kaliskis sa lingkis.
Pagkaraan, sigabo ng pagtatalik.
(hugong)
Buntis na along uhaw sa pag-ahon.
(maiikli ang buhay, bumubulong)
Ang dami, dumadami, ang dami-dami.
Walang anyong maghihilom.
Walang labíng nilalabí.
Dilang Anghel
Ibinubuka nila ang mga pakpak.
Muling nalalaglag ang kanilang anino
Bagamat hindi sumasayad sa lupa.
Matagal na silang nakatanaw.
Hindi kailanman kumurap.
Hindi kailanman tumalikod.
Hindi nila kailanman itinakip
Sa mukha ang kanilang mga kamay
Na masunuring humahaplos ng trumpeta.
Kung minsan, dinadalaw sila ng alala
Ng tinig. Nais nilang ibuka ang bibig.
Ngunit wala silang masabi.
Ano ang dila kundi isang piraso
Ng laman na hindi kayang malunok.
Sa Pagtawid
Nakatitig ang mga madre sa ilog.
May pangamba sa kanilang mga mata.
Ito ang oras ng paglaki ng tubig.
Humakbang ang isa upang damhin ang lamig.
Sumunod ang iba upang tumawid.
Isang madilim na alon ang kanilang paglusong.
Sa kanilang mga binti, waring sinusukat nila
Ang unti-unting paglalim ng agos
Habang naghahanap ng tatag ang bawat yapak.
Hanggang mabasa ang kanilang damit.
Huminto sila at inilibot ang paningin.
Nagtagpo ang kanilang mga tingin.
Bahagyang inangat nila ang kanilang laylayan.
Napapikit habang tinatawid ang tuhod.
Maingay ang pagragasa ng ilog.
Gumapang paakyat ng katawan ang lamig.
Nadarama nila ang pagbigat ng suot
Na bumabakat sa nakatagong hubog.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtawid,
Narinig nila ang mahinang tawag ng orasyon.
Nanginginig silang umawit ng papuri.
Eba
Sa lilim ng yungib, dinadalaw siya
Ng pangamba. Siya na nakaaalala
Kung paano pukawin sa mahimbing
Na katawan ng iba.
Huhugutin mula sa sarili ang nawala
Bilang tunay na parusa sa pagkakasala.
Nakabalot sa balat ng ilahas na hayop
Ang kaniyang panganay, humihiram ng init.
Sumasagi sa kaniyang isip ang pinakamalagim
Na maaaring sapitin ng kaniyang anak.
Ganito unang nadama ang pag-ibig.
'Babel,' 'Morpo' and 'Imago' (from Morpo, 2001) were translated by Jose Perez Beduya in collaboration with the author. 'Tongues of Angels' (from Kami sa Lahat ng Masama, 2003) was translated by Jose Edmundo Ocampo Reyes. 'Crossing' and 'Eve' (also from Kami sa Lahat ng Masama, 2003) were translated by Marc Gaba.