mula sa Pesoa
Mesándel Virtusio Arguelles
Ilan
Fernando, Joaquin, Virgilio at iba pa. Mga tao mula sa nakalipas, sumibol sa akin ang kanilang mundo at panahon. Malayo sa buhay ko. Tuwing babasahin ko sila, nananaghili ako sa mga nababasa ko. Walang sarili: mundo lang ng tanong. Ilan ang ilan. Marami at walang sapat na dami. 40, baka lagpas sa 40, mahigit 40, palagay ko kulang ang dalawampu. Binubuo ng hiwa-hiwalay at tagni-tagning piraso ng pagkatao ang tao. Sinikap kong maging estranghero sa lahat. Hindi, napakalayo ko na sa sarili. Nasa mga narito ang isa lang sa lahat.
Una
Isa siya sa isa sa lahat. Mga lasing na miyembro ng banda at mga lasing ding istambay. Mga maton at istambay. Mga banal, may tato. Mga empleyado. Mga estudyanteng nakaputing polo at kaking pantalon na uniporme. Mga negosyanteng nasa kalagitnaan ng transaksiyon. Kanya-kanyang mga parukyano. Para siyang nagiging ibang tao; iba sa araw-araw niyang anyo. Araw-araw, ang suot niya’y lumang pantalon, kupas na polo, at pudpod na de-gomang sapatos. Minsa’y nakakamiseta siya. Bago pa mag-alas otso’y aalis na siya ng bahay. Lalakarin niya kung saang kalye malapit sa Cementerio del Norte hanggang sa mga tahimik na kalye. Kabisado niya ang lahat ng kalye sa lahat ng kalye. Maghapon siya sa kalsada. Naglalakad pauwi mula sa malayo. Nawawala sa mga kasabay sa daan. Pawisan ang kamiseta niyang kulay-abo na sa dumi. Ipinapaypay niya ang sumbrerong tastas ang dulo. Nangingintab ang buong mukha niya. Butil-butil ang pawis sa noo at patilyang nagsisimula nang sungawan ng ilang puting buhok.
Itinuro niya sa akin kung saan-saan. Nang lumaon, inililista niya ang mga dapat kong matiyak, pinabayaan akong magdesisyon kung ano. Alas otso pa lang ng umaga, umaalis na ako. Nilalakad ko papunta at pauwi. Tinuruan niya akong tumulong. Tinuruan niya akong mabuti. Halos araw-araw, lagpas-hatinggabi lagi ko siyang kailangang tulungan. Sa kabila ng madalas naming pagsasama, bihirang-bihira kaming mag-usap. Hindi siya nagkukuwento. Wala siyang sinasabi kung ano ang nasa isip niya. Wala siyang binabanggit tungkol sa nararamdaman niya. Wala siyang binabanggit tungkol sa sarili.
Hindi ako nakasisiguro kung nakakasulat siya at nakakabasa. Habang kaharap ko siya, nakakaharap ko rin ang aking sarili: na kung bakit hinding-hindi ko makilala.
Wala akong matandaan. Ang natatandaan ko’y mag-uumaga na. Hindi ko matandaan kung wala pa halos tao sa daan. Saka ko lang naalala na nang umagang yun
maraming salitang wala namang kahulugan. Basta, yun ay posible. Sunod-sunod na gabi akong nagbabantay. Umuuwi lang ako sa araw. Bumabalik bago dumilim para maupo sa tabi ng gabi. Walang katinag-tinag ang katawan niya. Dumami ang puting buhok. Umimpis ang pisngi. Nag-alsahan ang mga nagngangalit na ugat sa braso at kamay. Hindi ko maaninag sa katawang yun ang sa akin. Gabi-gabi, iniisip ko kung magpapatuloy. Maaaring yun ang katapusang gabi.
Kailangan niyang huminto nang pansamantala nang nakahahakbang na siya. Sa bawat hakbang sa araw-araw, kailangan namin ang isa’t isa. “Mario!” Minsa’y sasagot ako: “Sino bang Mario? Walang Mario rito!” Susuklayin ko ang kanyang buhok. Isa-isa kong gugupitin ang kanyang mga kuko.
Dalawang beses sa isang linggo, ginugupitan ko siya ng kuko.
Nakalimutan ko na halos lahat ng salita. Malabo na sa akin ang mga pangyayari.
Tula ang gustong-gusto niya. Binabalik-balikan niya ang tula. Bagay ang tula.
Ikalawa
Matay ko mang tingnan ang sarili ko sa salamin, hindi ko makita yung nakikita ko sa hindi ako. Hirap na hirap akong magpakuha ng retrato. Hindi ko makikita sa retrato ang ako sa retrato. Iniaangat ko ang mukha na parang lumang mukha.
Isang araw, nagkuhanan kami ng retrato. Ako ang nasa unahan. Mamata-mata sa hugis na mabubuo. Wala akong matandaan.
Hindi ko na maalala ang pangalan ko. Sa pagkakatanda ko, ang mga larawan ko, iilan lang.
Sa isang kuwarto isa lang ang bintanang maliit; kalahating katawan lang halos ang kasya kapag sumusungaw. Nakaharap ito sa isang pader. Nakabukas lagi pero hindi para dungawan. Bukas buong araw. Kahit sa gabi. Isinasara lang kapag umuulan.
Marami ang ako o hindi ako. At kulang ang sarili. Pero ako, ako! Siyempre hindi ako lang ako. Maya-maya, ipagpapatuloy ko ang paghakbang, tatawirin ang labirinto, maglalakad.
Ako na hindi ko kilala ang pangalan. Bawat mukha’y parang nagtatanong—paulit-ulit. Ganoon na lang ang pagtataka ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang. Meron akong suspetsa. Pero sinolo ko na lang ang suspetsa. “Ang ako ay isang lalang.”
May kuwadro ng mga retrato sa kasalukuyan.